41: Wither Simula nang makauwi si Than sa kanyang apartment hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang mga nagaganap sa paligid niya, bumabalik ang pangamba niya na may mangyayareng hindi na naman normal katulad noon, gulong-gulo ang isipan niya, parang nagsisisi siyang maging mortal sa kasong wala na siyang maramdaman na kahit ano, gusto niya noong may kapangyarehan siya at least nalalaman niya kong may panganib na mangyayari, pero pakiramdam niya ngayon para siyang walang pakinabang lalo na sa parte sa pagbabantay niya kay Rin, ang daming tanong na paano at bakit sa kanyang isipan, mga pangamba na hindi niya nararamdaman noong immortal siya, napasapo na lamang siya sa kanyang noo habang nakaupo siya sa madilim na sala ng bahay niya. Animoy pinipiga ang utal niya sa kakaisip ng mga bagay-b