42: Trial Huminga ng malalim si Rin nang makita niyang wala pa siyang natatanggap na tawag o kahit isang mensahe sa kanyang cellphone galing kay Than, pagkatapos ng hindi nila pagkakaintindihan na pag-uusap nang gabing 'yon isang araw nang hindi nagpaparamdam o dumadalaw si Than sa kanila, pakiramdam niya siya ang may kasalanan kong bakit talaga nagkakaga'nun ang binata, inisip niyang sana hindi rin siya nagpadala sa inis niya nong gabing 'yon, ngayon nagsisisi siyang binitawan niya ang mga salitang 'yon kay Than, animoy gusto niyang ibalik ang lahat sa dati para mabawi niya ang nangyari. Binalik niya ang cellphone sa bag niyang dala, nasa trabaho din siya sa oras na 'yon kaya hindi niya pinapahalata sa mga kasamahan niya na hindi siya ayos, nasa kalsada sila ngayon at tinutulungan nila