43: Unclear Pinarada ni Than ang kotse niya sa tapat ng tinutuluyan niyang apartment, hindi muna siya lumabas, ang daming bumabalik sa kanyang isipan, ang mga sinabi ni Rin sa kanilang pagtatalo at ang kanyang pagdadalawang isip, pero kong titimbangin niya ang lahat, tama ang dalaga hindi siya nito pinilit, siya ang may kagustuhan ng lahat ng 'yon, hindi niya gustong isipin ng dalaga na siya ang may kasalanan ng lahat, gusto niyang makipag-usap ng gabing 'yon halos isang oras siyang nasa labas ng bahay nila Rin bago siya tuluyang umuwi, gusto man niyang kausapin sa cellphone o sa text hindi niya magawa dahil biglang dumami ang nangyayare sa biglang pagtulog ng mga tao sa paligid, dahil siya ang may hawak sa kaso kailangan niya itong unahin. Buong maghapon din naka-silent ang cellphone niy