44: Twin Brother "Mas gusto ko pang awayin mo ako kesa sa nakikita kitang ganyan, walang imik, nakahiga, higit sa lahat tulog," bulong na sabi ni Than sa tulog na dalaga, hinahaplos-haplos niya ang buhok nito, bahagyang madilim ang silid, tulog na si Kie, nagpaalam na uuwi rin si John na iba paren ang pakikitungo sa kanya, siya na lamang ang tanging gising para lang makabawi siya sa dalaga sa lahat ng pagkukulang niya. Minsan ay paglalaruan niya ang mga daliri ng dalaga para manatili siyang gising, minsan naman ay susulyap sa bintana ng silid para matanaw ang mga nag-iilaw sa labas ng gusali, pero dahil din sa pagod niya hindi kinaya ang magising pa habang nagbabantay. Ngumiti na muna siya sa mukha ng dalaga bago siya tuluyang yumuko sa kama sa gilid ni Rin, madali siyang nilamon ng anto