45: Saving Life Pagkarating ni John sa ospital kong saan dadalawin niya si Rin, una niyang nakita si Kie na nasa labas ng silid, mukhang kagigising lang nito at hindi pa nagpapalit ng uniporme na suot pa simula kahapon, agad siyanv lumapit at tumabi sa binata. "Kumusta na? Dinalan ko kayo ng almusal," wika niya kay Kie. Ngumiti naman ito sa kanya at kinuha ang balot ng plastic na puno ng mga pagkain, "hindi muna man siguro inubos ang pagkain ninyo sa grocery store," biro ni Kie. "Maliit na bagay lang yan wag kang mag-alala, kahit ilang beses akong magdala dito hindi basta-basta mauubos ang laman ng tindahan namin, siya nga pala, kumusta naman si Rin?" Nagbago ang mukha ni Kie pero muli itong ngumiti, pilit na ngiti na hindi maitago ang lungkot, kaya alam na ni John kong anong ibig sabih