47: Smell the Intention Agad na napaharap si Rin sa likuran niya at huminto sa paglalakad nang may humawak sa kanang balikat niya, bahagya siyang nagulat at napahawak pa ang kaliwa niyang kamay sa dibdib, pero nawala din agad ang kaba nang makita niya si John sa harapan niya na nakangiti, "anong ginagawa mo dito?" Tanong ng binata sa kanya, saka ito lumayo sa kanya ng kaunti at binitawan din siya nito. Bahagyang ngumiti si Rin, "wala naglalakad-lakad lang ako dito," hindi niya sigurado na sagot niya sa binata. "Naglalakad-lakad kahit na kagagaling mo pa lang sa ospital?" Kunot-noong tanong ng binata, "halika nga muna, alam mong makakasama yan sayo." Nagpatangay na lamang siya sa hila sa kanya ng binata lalo na't hindi niya alam kong saan siya pupunta, nakita na lamang niya ang sarili n