48: Dying Alone Kanina pa nakaupo si Rin sa labas ng isang tindahan ng bagay na hindi pamilyar sa kanya, gabi na din at halos magtatatlong oras na siyang nakaupo doon, pinagmamasdan ang mga nagdaraan na tao sa harapan niya, simula ng pagtatalo nila ni John minabuti niyang lumayo pa lalo sa lugar kong saan maari niyang makita ang binata, hindi na rin naman niya maibabalik ang lahat, lalo na't iniwan siya ni Than ng ga'nun lang, mahal niya ito pero hindi maiaalis agad sa kanya ang hinagpis ng pag-alis nito ng dahil sa kanya. Napag-isipan niyang umuwi na, tumayo na siya at inayos ang kanyang sarili, sakto naman na lumabas ang isang dalaga, mukhang magsasara ng tindahan na siyang siguradong may-ari n'un, pero napasulyap ito sa kanya, babawiin sana niya ang pagkakasulyap sa dalaga kaso hindi