50: Suffer Huminto ang train makalipas ng isang oras na biyahe patungong Erebus. Nagtataka si Rin kong bakit nagsitayuan ang mga kasama niya sa loob, kaya siya'y sumunod, kosang nagbukas ang mga pintuan sa kaliwa't kanan na gilid ng train kaya kanya-kanyang labas naman ang mga kasama niya doon, sumunod si Rin sa paglabas, bumungad sa kanya ang kakaibang lugar ng Erebus, napakalungkot ng paligid at animoy nakakatamad, mula sa maulap nitong kalangitan, mga punong nagdadahon ng kulay pilak, gatas at itim na kulay. Mga itim at pilak na kulay ng mga iba't ibang kulay ng bulaklak, may malaking sakop ng ilog mula sa likod ng mga naglalakihang pilak na puno sa may kanan niya, sa unahana naman kong saan huminto ang train makikita ang napakalaking at napakalawak na gate na gawa sa mga diyamante.