51: Knowing Kitang-kita ni Rin ang paghihinagpis at lungkot ni Hypnos sa mga mata nito, hindi siya nagsalita at pinapakinggan lang si Hypnos sa mga hinaing nito. "Walang makakapagsabi kong ano ba talaga nararanasan ko nang mawala si Kate, si Kate ang una at huli kong inibig. Isa siyang mortal nang makilala ko siya, isang mortal na may sakit, malubhang sakit, nakikita ko ang paghihinagpis niya, gusto ko siyang tulungan pero itong pagtulong sa kanya ay nag-umpisa sa pakikipag-kaibigan hanggang sa ibigin ko siya. Alam niya kong ano ako, tanggap niya ako, isang bagay na napakasaya para sa parte ko. Sa panahon naming ngayon ay bawal nang umibig sa mortal, para hindi pa dumami pa ang problema namin katulad ng mga na una naming kasamahan na naiiwan ang mga nagiging anak sa mundo ng mga tao. Pero