32: Ago Hinihintay ni Rinzen si Death na bumalik sa Erebus, para ibigay ang kinuha niyang bulaklak mula sa hardin nito, dalawang kulay pilak na rosas at isang kulay itim. Matagal nang naninilbihan si Rinzen bilang anghel ni Death, dahil maraming trabaho si Death at malaki ang mundo. Kumuha ito ng mga anghel na magsisilbing katulong niya sa mga gagawin niya, isa sa mga napili si Rinzen para maging anghel, nakasuot siya ng bistidang kulay itim na abot hanggang tuhod, wala siyang sapin sa paa at nakatupi ang pakpak niyang kulay itim sa likuran. Marami silang nagkalat na anghel sa Erebus habang binabantayan ang mga kaluluwang napunta doon. Mula sa gilid ng hardin makikita naman ang isang ilog na kulay gatas, mula doon ang isang maliit na puno malapit doon, sa oras na makiinom ka ng tubig doo