37: Premonition Masayang humakbang si Than palabas ng opisina nila dahil sa wakas isang tapos na araw na naman ‘to na walang masyadong iniisip, kong di ang matapos ang trabaho niya sa araw na ‘yon at makasama o mabisita man lang si Rin bago siya tuluyang umuwi sa tinitirhan niya, naisip niyang siguro ganito ang simpleng buhay ng mga mortal lalo na kong may gusto kang makitang tao, yong bang uwing-uwi kana at animoy sabik sa isang pagkain na ihahanda sayo ng ina mo, ‘yon ang nararamdaman ni Than sa mga oras na ‘yon, papalapit na sana siya sa bagong kulay pulang kotse niya nang may malaglag na itim na balahibo ng animoy isang pakpak mismo sa paanan niya, hindi niya maiwasang hindi titigan ‘yon. Yumuko siya para kunin ‘yon at nang makuha niya saka naman siya naglakad papalapit sa kotse niya