38: Lifeless Kosang dumilat ang mga mata ni Than nang magising siya sa masamang panaginip tungkol sa dating kaibigan na immortal, si Gab. Hingal na hingal siya habang nakahiga paren sa kama niya, pawisan din ang noo niya, nakakapit siya ng mahigpit sa magkabilang gilid ng kumot niya dahil sa tensyon na nararamdaman niya, pakiramdam niya siya yong nasa panaginip, pero ang higit pa doon, si Gab na kaibigan niya ay namatay, iniisip niya kong totoo ba ‘yon o sadyang panaginip lang na may kabaligtaran na maganda, ang lakas ng kabog ng dibdib niya, animoy takot na hindi niya maintindihan, pinikit niya ang mga mata at muling dumilat. “Panaginip lang ‘yon Than, panaginip lang,” paulit-ulit niyang bulong sa kanyang sarili habang nakatingala sa kisame sa madilim niyang silid. ----- Madaling araw