10: Thanatos “Gusto mong malaman ang totoo?” tanong ni Than kay Rin. “O-oo sabihin mo kong ano nga ba ang nangyayari,” pagpupuimilit ni Rin sa binata. “Hindi ka maniniwala kong sasabihin ko sayong patay ka na dapat Rinzen,” sa pagkakataon na ito natigilan si Rin sa sinabi ng binata pero hindi siya nagsalita, pinapakiramdaman lang niya ang bilis ng t***k ng puso niya, “patay ka na dapat Rin, alam mo kong bakit? Wala nang nabubuhay pa sa pagkalunod lalo na kong matagal ang tulong. Bakit ka pa buhay? Dahil din ‘yon sa akin, bakit ka nakakakita ngayon? Ay dahil din sa akin.” “Ano bang pinagsasabi mo?” iling ng iling si Rin saka siya umatras ng kaunti kaya lalong umabante si Than sa kanya. “Hindi mo ako kilala diba?” Hindi sumagot si Rin sa tanong ng dalaga. “Ako si Than, si Thanatos dah