9: The Real Than Hindi na kinaya ni Than kong hindi siya lalaban sa tunay niyang katauhan, nailabas na niya ang malaki at itim niyang pakpak sa harapan mismo ni Rinzen, nakikipaglaban siya ngayon sa mga half breeds na gustong kumuha kay Rinzen, kailangan niyang mailayo ang dalaga, pero hindi niya magagawa ‘yon kong nawawala ang kalawit niya, isa sa mga importanteng gamit niya na siyang pinang kukuhanan niya ng lakas, pagwala ang kalawit na ‘yon hindi rin niya magagawa ang isa pa niyang importanteng trabaho kaya napilitan siyang magtrabaho ng wala ang importanteng bagay na ‘yon. “Tulungan mo ako Than!” natigilan siya nang marinig niya ang sigaw ni Rin mula sa loob ng kotse. Laking gulat niya na lalong dumadami ang half breeds sa paligid nila, agad siyang lumipad sa eri at pinagtapat ang d