13: Gumshoe Tuwang-tuwang pinapanood ni Rin ang pinsan niyang si Kiefer at saka si Gab na sumasayaw ng Trumpet, katatapos lang nilang magtanghalian nang maisipan ng pinsan niya na makipagsayaw kay Gabriel kong marunong ba itong sumayaw, natuwa na rin siya kahit papaano na nawala ang takot sa kanyang pinsan lalo na’t para pa ito, hindi niya gustong mamulat ang pinsan sa mga masamang elemento sa paligid nila, nawala ang ngiti niya nang makita niyang lumabas si Than mula sa silid nito at lumabas ng apartment kaya agad siyang sumunod, hindi pa ito nakakalayo kaya agad naman siyang nakita ng binata. “Saan ka pupunta?” tanong sa kanya ng binata. “Ikaw, saan ka pupunta?” tanong niya sa binatang bilang sagot, ngitian lang siya nito, hindi na suot ng binata ang mahaba nitong coat, habang nakatup