14: Rescue May isang breeds ang kamuntik nang makahawak kay Rin kong di naagapan ni Than ang paghila sa kanya, naitulak siya ng bahagya ng binata sa may pintuan para mabuksan na niya agad, lalong dumadami ang breeds na hindi nila alam kong saan nang galing, siguro’y naamoy kong na saan siya ngayon nagtatago, nangangatog ang buo niyang katawan kaya hindi niya mabuksan ang pintuan dahil na rin sa pang hihina sa takot, ngayon lang niya napagtantong mas nakakatakot ang mga breeds kesa kay Than na siyang si Kamatayan. Hindi na niya alam ang gagawin niya nang tawagin ni Than ang pangalan niya, agad siyang napaharap. Nagulat na lamang siya nang iharang ni Than ang sarili nito sa kanya, habang siya’y nakasandal sa pintuan, si Than naman ay hinarang ang mga braso sa magkabilang gilid niya, nakita