15: Other Bad Spirit Isang ingay ang narinig ng lahat ng natutulog sa loob ng apartment ni Gab, unang nagising si Kiefer at Gab. Nagising na rin sila Than at Rin na agad na kumalas sa pagkakayakap sa isa’t isa nang malaman na magkayakap sila, gulat na gulat si Rin nang malaman niyang nakayakap siya kay Than, pero unang tumayo si Than at lumabas ng silid, narinig niyang mula ang katok sa pintuan na animoy sisirain na ang pintuan kaya agad na siyang lumabas ng silid, nakita niyang s Than ang nagbukas ng pinto, hingal na hingal na matanda ang humarap sa kanila. “T-tulungan n-inyo kami,” sabi nito habang nakahawak ang isang kamay sa dibdib na tinutulungan na makahinga ang sarili, “a-ang anak ko sinapian a-ata.” Nangilabot ang buong katawan ni Rin sa narinig niya, una niyang na isip ang breed