16: Mourning Lumuluha si Lauren nang ideklara ng doktor na patay na ang kambal niyang anak at ang asawa niya, hindi siya makapaniwalang dadayain siya ni Keri, alam niyang galit ito dahil natalo ang pinakawalan nitong Keres kaya napunta ang galit sa pamilya dahil wala raw siyang nagawa, mahigpit lang niyang hawak-hawak ang telepono kong saan nakausap niya ang doktor na nagsabi sa kanya ng malungkot na balita at ang isang kamay naman niya ay mahigpit na hawak ang kalawit ni Kamatayan. Namumuo ang galit niya, lungkot at pangungulila. Siya na lamang mag-isa sa buhay, gusto na niyang wasakin pa ang sarili, pero nahinto siya sa pagluha nang maalala niyang may panglaban pa siya sa kaibigang traydor. Napasulyap siya sa kalawit ni Kamatayan, naalala niyang may pag-asa pa, na mabago ang sinumulan