20: Crook Nang matapos ni Rin ma-check ang mga bagong dating na can goods agad niyang pinadala sa loob ng grocery store sa isa pang ka trabaho niya ang mga natapos na niya, sumunod naman siya para ituro kong saan i-display ang mga bagong dating at alin naman ang mga tatangalin na malapit nang ma-expired. Pinapanood lang niya ang kasama niyang lalaki na nagdi-display nang mapansin niya ang isang lalaking naka-hood sa kabilang shelf ng mga pagkain, dahan-dahan siyang sumilip sa mga awang ng mga bote ng alak kong saan ito malapit, animoy may nilalagay sa bulsa, nang tignan niya ito ng malapitan, mga sigarilyong nilalagay sa malaking bulsa sa suot nitong jacket. Nagulat si Rin at hindi alam ang gagawin dahil sa isang buwan na niyang trabaho doon ngayon lang nangyari sa kanya ang bagay na ‘yo