Chapter 4

1204 Words
4: Eye of Truth Tulalang ang mga mata ni Rin sa kisame habang nakahiga, natutulog naman sa may sofa ang ama niya habang nagbabantay sa kanya. Inaalala niya ang pag-uusap nila ni Detective Than, ang mga tanong nito na siyang pinagtataka niya, animoy may malalim na dahilan, kaya hindi niya maiwasang mag-alala sa nangyayari, napakunot noo siya at naningkit ang mata niya nang marinig niyang may kumakatok sa salamin na bintana, hindi na lamang niya pinansin at baka guni-guni lamang niya ito, pero ilang sandali nang maulit na naman ang katok na ‘yon, “sino na andyan?” tanong niya mula sa hangin, pero ni papa niya ay hindi nagsalita sa ingay na naririnig niya. “Rinzen,” narinig niya may tumawag sa kanya, isang boses lalaki, pero alam niyang hindi ‘yon ang boses ng ama niya, kilala niya ito pero hindi niya mawari kong sino. “Si-sino na andyan, sino ka, magpakilala ka nga?” inis niyang tanong lalo na’t bulag siya. “Hindi muna kailangan malaman pa Rin,” napalunok siya nang tawagin siya ngayon sa nick name niya na madalas itawag sa kanya ng pinsan niya at mga magulang niya. Hindi siya nagsalita at pinapakiramdaman lamang niya ang silid, “ang hirap ba na wala kang makita at wala kang maalala sa nangyari kong bakit mo yan nakuha.” Sa isang iglap dahil sa sinabi ng boses na ‘yon ay lumakas ang dibdib niya pero hindi siya nagsalita, “tutulungan kita na makakitang muli sa isang kondisyon Rin.” Lumunok muna si Rin bago siya nagsalita, “anong ibig mong sabihin?” tanong niya sa boses lalaki. “Kailangan mo akong tulungan pabalik,” magsasalita pa sana siya nang may maramdaman siyang humawak sa noo niya. Nang laki ang mata niya at sa isang iglap nakikita na niya ngayon ang kisame kong saan siya nakatitig ngayon na may pagkamangha sa kanyang mukha, saka niya tinawag ang papa niya, agad na lumapit sa kanya ang ama niya na nag-aalala, kitang-kita niya ngayon ang ama niya na kaharap na niya, hindi niya maiwasang matuwa, “papa nakikita na kita.” Sa pagkakataon na ito nagulat ang ama niya sa kanyang sinabi, “ano anak?” “Papa nakikita na kita,” masaya niyang saad sa ama. “Anak totoo ba ‘to,” aniya ng ama niya na mahula-hula sa balitang sinabi niya. Tumango-tango na lamang siya, “kailangan nilang ‘tong malaman, babalik ako,” tumango na lamang siya sa ama bilang pagsang-ayon, nang makalabas ang ama niya, agad niyang hinanap ng paningin niya kong sino ang kausap niya kanina, napasulyap siya sa bintana kong saan may naaninag siyang aninong nakatayo doon, pero hindi siya sigurado lalo na’t madilim sa parteng ‘yon, nawala ang pag-aalala niya nang pumasok sa silid niya ang mga doktor at ina niya dahil sa binalita ng ama niya sa mga ito. Agad siyang tinanong tungkol sa kanyang nararamdaman, pero wala naman siyang maramdaman na kahit na ano, ayos naman siya, doon niya nalaman na lagyan siya ng dugo sa mata na siyang kinabulag niya, pero hindi niya mawari kong bakit dugo, katulad niya nagtataka din ang lahat kong bakit siya biglang nagkaroon ng paningin, hindi niya sinabi kong anong totoong nangyari bago siya tuluyang nakakita na baka sabihin na baliw siya, kaya ang akala tuloy ng mga doktor nagkaroon siya ng temporary blindness. ----- Isang linggo nang magkaroon na muli ng paningin si Rin ay agad na siyang pinayagan ng doktor niya na lumabas ng ospital pagkatapos din ng iilan niyang pagtingin sa kalagayan niya na ayos nang muli, kailangan pang mamalagi ni Rin sa bahay nila para magpahinga, dahil doon kailangan niyang humabol sa iilang niyang subject at kailangan na muna niyang mag-home schooling hanggang sa matapos ang semester. Hindi man niya gustong makulong sa bahay, kailangan niyang sundin ang utos ng mga magulang niya. Minsan ay tinatanong niya kong ano ba talagang nangyari sa kanyang mga magulang at kong bakit siya na ospital ng hindi niya nalalaman, pero ang palagi lang sinasabi sa kanya ay hindi muna kailangan ipilit ang hindi niya kayang maalala, kaya na kontento na lamang siya sa ga’nung sagot ng mga magulang niya. Nasa silid siya habang nagbabasa sa study table ng libro niya sa general psychology, isa na siyang first year college students sa kursong nurse. Napahinto siya sa pagbabasa nang matanaw niya mula sa babae ang pulang kotseng huminto sa harapan ng bahay niya, tumayo siya para lalo niya itong makita, madali lang niya itong nakita dahil nasa harapan ng study table niya ang bintana ng silid niya. Nagtataka siya kong bakit may bisita sila sa araw na ‘yon. Muli na lamang siyang bumalik sa pagbabasa lalo na’t kailangan niyang humabol, nababagod na rin siya sa bahay nila, gusto na niyang makasama o makausap man lang ang mga kaibigan niya. Naalala niyang hindi man lang siya binisita ng mga ito sa ospital kaya bahagyang nagtatampo siya, nag-iisip siya kong alam ba ng mga ito ang nangyari sa kanya. Nawala siya sa pag-iisip nang tawagin siya ng pinsan niyang si Kiefer, agad siyang tumayo at humarap sa pinsan na 15 years old. “Ano ‘yon?” ngiti niyang tanong sa pinsan nang makalapit siya sa pintuan kong na saan nakatayo ito at ginulo niya ang buhok nitong makapal. “Ano ba yan ate,” natawa na lamang si Rin sa singhal sa inis ng pinsan. Para na ring kapatid niya ang pinsan lalo na’t sanggol pa lamang ito sila na ang nagpalaki, dahil namatay sa cancer ang ina nito at nagpakamatay naman ang ama nito sa trauma sa nangyari, kaya simula n’un sila na ang bumuhay sa kawawang bata. “Ano nga kasi ‘yon?” “May bisita ka,” natigilan siya nang sabihin ‘yon ni Kiefer. “Huh?” pagtataka niya, dahil biglaan ‘yon, bigla din niyang naalala ang kotseng huminto sa tapat ng bahay nila kani-kanina lang. “Dalian muna ate Rin, naghihintay sila doon at mukhang mainit ang ulo ni mama mo,” sabay hatak sa kanya ng pinsan niya, pagbaba nila sa hagdan, rinig na nila ang sigaw ng ina niya na animoy may pinapalayas. “Umalis kana dito, ka gagaling lang ng anak ko sa ospital ayokong bumalik na naman siya doon!” gulat na gulat si Rin sa sinaryong nakita niya, may hinahampas na payong sa isang lalaking may suot ng mahabang coat na kulay itim. “Teka---aray! Im---aray tama na po!” reklamo naman ng lalaking ilag ng ilag sa hampas ng payong pero wala paring tigil ang ina niya sa paghampas sa lalaki. “Mama!” sigaw niya, doon lang natigil ang ina niya at nag-aalalang napasulyap sa kanya. Doon din niya tuluyang nasilayan ng maayos ang lalaking nakatayo sa may pintuan nila, hinihimas-himas nito ang braso dahil sa pagkakahampas ng ina niya doon. Nagkatitigan sila ng binata, meron itong makapal, kulot at gulo-gulong buhok, matangkad ito, pormal ang suot lalo na ang mahaba nitong coat na animoy Sherlock Holmes, maputi ang kutis nito at may tamang pangangatawan, pero higit pa doon may iba siyang nararamdaman sa binatang kaharap niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD