5: Mind Control
“Sino siya?” tanong ni Rin sa kanyang ina.
“A-anak bumalik kana lang sa taas, hindi muna pala kailangan makausap ang lalaking ‘to,” aniya ng kanyang ina na siyang pinagtataka niya.
“Sino ba talaga siya mama?” hindi niya pinansin ang sinabi ng kanyang ina bagkusa nagtanong na lamang siyang muli.
Sumulyap ang ina niya sa lalaking nakatayo bago muling bumalik sa kanya. Hindi na nagsalita pa ang ina niya, kaya ang lalaking mismo ang nagpakilala, “ako si Detective Than,” nagulat si Rin sa pagpapakilala ng binata sa kanya, napahigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng damit niya ng hindi niya napapansin dahil kaharap niya ang kausap lamang niya noong nakaraang linggo noong wala pa siyang nakikita. “Nalaman ko kasi na discharge kana pala sa hospital at higit pa doon nakakakita kana, kailangan ka sana kitang kausapin ang kaso,” sumulyap muna ito sandali sa kanyang ina bago bumalik ang tingin sa kanya, “parang hindi payag ang ina mo.”
“Pero malaki ang kailangan namin sayo Ms. Talde, kailangan ka namin matanong sa presinto,” tinakasan ng dugo si mukha si Rin nang malaman niyang saan siya dadalhin, napaisip siyang may kasalanan ba siyang nagawa sa batas kaya din pa nagkakaga’nun din ang ina niya.
“Sa-sasama ako,” sabi niya kay Detective Than bago napalunok.
Nagulat ang ina niya, habang ang pinsan naman niya ay hindi mawari kong ano ang pinag-uusapan nilang tatlo. Binitawan na ng tuluyan ng kanyang ina ang hawak nitong payong na kulay itim bago lumapit sa kanya, “hindi mo kailangan sumama sa kanya, labag sa batas ‘to na bigla kana lang pipilitin tapos dadalhin ka sa presinto,” napasulyap siya sa kanyang ina.
Ramdam niya kong paano ito mag-alala lalo na’t ka gagaling lang niya sa ospital, ngumiti siya ng tipid, “mama kong walang ginawa ang anak ninyo hindi kayo mag-aalala ng ganyan, sasama ako, para naman matapos na ‘to, wag kayong mag-alala magiging ayos naman ang lahat diba?”
Ayaw man siyang payagan ng ina sa huli ay pumayag na lamang ito, bumuntong hininga ito bago magsalita, “sige pero mag-iingat ka, umuwi ka agad kong sakaling tapos na.” Hinaplos ng mga palad ng niya niya sa kanyang pisngi habang pinipilit nitong ngumiti para sa kanya.
“Opo mama, sige na mukhang sandali lang naman ‘to eh,” pinapagaan niya ang loob ng ina at hindi pinapahalatang mas nag-aalala siya sa nangyayari.
Tumango ito bago siya bigyan ng daan, lumabas na ang binatang detective at sumunod siya hanggang labas. Muli siyang tumingin sa pintuan kong na saan ang pinsan at ina niya bago siya tuluyang pumasok sa loob ng pulang kotse, maya-maya lang ay nasa loob na rin si Than para paandarin ang kotseng sinasakyan nilang dalawa.
Habang nasa biyahe tahimik lang silang dalawa, nakikiramdam lang si Rin, hindi niya gusto ang ganitong sobrang tahimik, hanggang sa magsalita si Than sa tabi niya habang nagmamaneho kaya napasulyap siya sa binatang nakatingin lang sa unahan, “wala ka ba talagang naalala na kahit na ano?”
Napakunot noo siya, ang tanong niya sa isipan ay lumabas naman sa kanyang bibig, “ano naman ang kailangan kong maalala?”
Hindi nagsalita si Than maya-maya lang naramdaman niyang huminto ang kotse, napasulyap siya sa unahan kong saan naka-park ang kotse ngayon sa gilid ng kalsada, kinabahan siya pero hindi niya pinapahalata, hindi pa sila nakakalabas ng village kong saan siya nakatira. Humarap sa kanya ang binata kaya siya’y napaharap din kay Than na may seryosong mukha.
“Yong party sa isang pribadong hotel, wala ka bang naalala tungkol doon? Kong bakit ka pumunta doon? Yong m*********r, wala ka bang nalalaman tungkol doon? Halos lahat ng umattend doon ay namatay lalo na yong pumatay sa lahat na lalaki, maliban sayo at sa anim na nawawala ngayon.” Dire-diretsong saad ni Than sa kanya.
Pero wala parin siyang maalala na kahit na ano sa sinabi nito, “anong party, anong pinagsasabi mong m*********r, anong nawawala?”
Nakita niya ang pagpikit ni Than ng mata at saka sumandal sa kinauupuan nito, hinilamos ni Than ang palad niya sa mukha, animoy naiinis, pero ano man sa mga ito ay wala sa alaala ng dalaga, “sorry detective pero wala akong maalala sa mga sinabi mo.”
Muling dinilat ni Than ang mata niya at saka humarap sa dalaga, “ok sabihin na nating wala kang naalala, hindi ka ba nagtataka kong bakit ka na coma, bakit nabulag ka? Pero higit doon bakit bigla kang nagkaroon ng paningin?”
Natigilan lalo si Rin, yon din ang mga tanong na palaging umiikot sa kanyang isipan noong simula pa nang magising siya pero wala rin siyang maisagot sa sarili niyang problema. Umiling siya ng dahan-dahan, “wa-wala talaga detective,” nauutal niyang saad. Namamawis ang kanyang palad sa tensyon na nararamdaman niya, sa lakas ng t***k ng puso niya natatakot siya na baka marinig ni Than ‘yon.
“Imposible, sobra na ‘tong nangyayari,” hindi alam ni Rin kong para sa kanya ba yong sinabi ni Than kaya nanahimik muna siya, kitang-kita ang pag-aalala at halong takot sa mukha ng binata. May gusto itong sabihin pero naiwang nakabuka ang bibig ng binata kaya muli itong napahilamos at humarap sa kanya ng maayos, “hindi ko alam ang gagawin ko sayo, hindi ko alam kong ikaw ba talaga ang makakatulong sa akin kong wala ka naman maalala sa nangyari.”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya kay Than.
“Hindi ko alam, hindi ko alam, pero ito lang ang masasabi ko sayo Rinzen may ibang nagkokontrol sa isipan mo o ikaw mismo ang nagkokontrol sa isipan mo, ang utak natin may mga bagay na gusto lang maalala at sa hindi, siguro ga’nun ang nangyayari sayo o mas higit pa doon.” Paliwanag ni Than sa kanya, hinintay pa sana niyang magsalita si Than nang bumalik muli ito sa pagmamaneho.
Iniisip isip din niya ang sinabi nito sa kanya, kong totoo ba talagang pwedeng komontrol sa kanyang isipan sa nangyayari, na siyang kinatatakutan niya. Ang lakas paren ng t***k ng puso niya dahil sa nangyayari.
“Sa tingin ko hind presinto ang kailangan mo.”
Napasulyap siya sa sinabi ni Than, “anong ibig mong sabihin?”
“Rinzen may m*********r na nangyari sa party na pinuntahan ninyo na hindi mo maalala kahit na anong sabihin ko sayo, at alam mo ba ang malala ikaw ang suspek sa nangyari, kaya kong hindi mo tatandaan ang buong pangyayare noong gabing ‘yon baka matapos na ito at ikaw ang maging suspek.”
Nagulat siya sa sinabi ni Than, “hindi yan totoo, wala akong pinapatay na kahit sino,” hindi niya gustong makulong.
“’Yon na nga eh, ang kaso wala ka nga maalala hindi ba nakakapagtaka ‘yon sa amin o baka alibi lang ‘to para sayo para hindi ka makasuhan, kaya hindi kita dadalhin sa presinto dahil alam kong may mas malalim na dahilan pa ‘tong nangyayari.” Seryosong saad ni Than.
“Saan naman tayo pupunta?”
“Sa crime scene.”