Dying inside to hold you # 11 Dumeretso sa kusina si Grace. Napatingin sina Manang Cely sa mukha niya. Sinipat nila ito at malungkot silang tumingin sa kanya. " Bruha talaga ang babaeng yan!" Gigil na turan ni Marta. "Pasensiya ka na iha, hindi ka namin naipagtanggol!" Ani nito. Tipid siyang ngumiti at tumingin sa matanda. "Okay lang po yun! Iiwasan ko na lang po si Nathan." Malungkot niyang sabi. "Nakow! Bakit naman ikaw ang iiwas iha? Bayaan mo 'yang bruha na yan, mamatay sa inis!" Sagot ni Manang Cely. Magsasalita pa sana si Rhoda ngunit bigla itong tumigil. Nasa pintuan na pala si Louella. Napatingin siya rito at nagkatitigan sila. Napaismid naman ito sa kanya. "So, dito ka talaga nababagay negra!" Inis nitong wika. Huminga siya ng malalim. Inikutan pa siya nito at nakapa