DYING INSIDE TO HOLD YOU#12 Biglang nagmulat si Nathan. Nagkatitigan sila. Hinaplos ng binata ang kanyang pisngi. Panay ang lunok ni Grace, hindi niya magalaw ang kanyang katawan. "Don't you know, that I'm dying inside to hold you like this!" Anas pa rin nito at niyakap siya. Nanlaki ang mga mata nang dalaga. Muli ay, pinagmasdan siya ng binata at hinaplos muli ang kanyang mukha. Napapikit si Grace dahil sa init ng palad ni Nathan. Nanunuyo na talaga ang lalamunan niya. Para na siyang estatwa. "And I told you before, that I will kiss you if you continue to close your eyes." Patuloy nito. Bigla siyang nagmulat. Sukat- doon ay unti- unting nilapit ni Nathan ang mukha niya sa mukha ng dalaga. Nakabangon na ito, ngunit nanatiling nakatitig ang kanyang mga mata kay Grace. Binging- bingi