DYING INSIDE TO HOLD YOU #26 Malayo nga ang nilakad nilang tatlo. Binuhat na nga ni Nathan ang dalaga sa kanyang likod. " Hindi kaya mapisa si baby nito?" Tanong ni Nathan kay Grace. " Hmmmm, hindi ko alam!" sagot ng dalaga. " OA naman ng dalawang ito ,siyempre hindi! Maliban na lang kung malaki na ang tiyan ni Grace." Sabad ni Mattew. " Teka, nasaan si Rayver?" Naalalang tanong ng dalaga. " Nauna ang damuhong, malamang nangunguha na 'yun ng alimango kasama si Tyrone." Sagot ni Matthew. " Tingnan mo ang damuhong, nauna na pala!" himutok ni Nathan. Nang mangalay si Nathan ay si Matthew naman ang bumuhat sa kanya. Nahiya man siya ay pumayag naman si Nathan. " 'Wag mo siya masyadong hawakan ah! Little grass, 'wag ka masyado dumikit. Yung ano mo, 'yung dibdib mo iharang mo yang isa