DYING INSIDE TO HOLD YOU #25 Kinabukasan. Maaga silang naghanda para sa pagpunta nilang lahat sa Villa. Tanging sina Mang Kanor, Manang Cely, Tyrone at Marta ang isinama nila . Ang iba ay naiwan sa Villa. May mga tauhan din kasi sila sa rancho. Excited naman kahit papano si Grace kahit kasama nila ang kanyang kinaiinisan. " Shall we go, honey?" Panunukso ni Matthew sa kanya ng nakahanda na sila. " Yes honey! I'm ready!" Maarte niyang sagot. Bago siya mahawakan nito ay pahablot na inagaw ni Nathan ang kanyang kamay at tiningnan niya si Matthew ng matalim. " Whoa! Relaks lang couz, just kidding!" Tumatawang tugon ni Matthew. " Ang langaw, hindi dumadapo sa damo. Sa mabaho ito dumadapo," dilat ni Nathan. Ngumisi si Matthew saka umiling- iling na sumakay na sa sasakyan. " At ikaw n