DYING INSIDE TO HOLD YOU CHAPTER 41 Makalipas ang ilang buwan, mas lalo pang naging makulit ang kambal. Halos hindi magkaugaga sina Grace at Tenten sa pag-aalaga sa mga ito. Kagaya na naman ngayong araw na ito. "Zia, come over here!" Tawag ni Grace sa isang kambal. Lumingon si Zia sa kanyang Mommy at ngumiti habang patakbong lumapit sa ina. "Why, Mom?" Malambing na tanong nito. Inilabas naman ni Grace ang kanyang hawak na regalo. Binili pa niya kahapon para sa kanyang pinsan. Hindi na niya sinulatan tutal, para naman kay Tenten. "I want you to give this one to Tita Tenten, okay?" Tugon ni Grace. Saglit na tinitigan ni Zia ang kanyang hawak. Ngumiti ito kapagkuwan at tumango. Binigay niya naman sa anak at tumakbo na ito palabas ng kwarto. Hahabulin niya sana ito at baka madapa. Si