DYING INSIDE TO HOLD YOU CHAPTER 42 Tawang- tawa si Tenten nang mabuksan ang laman ng regalo ni Grace. Isang aqua blue sexy bathing suit. Saan naman kaya niya isusuot ang bathing suit na 'yun eh, nandito lang siya sa loob ng Villa. Naiiling na lang siyang iniligpit at itinago iyun. May ngiti sa kanyang labi na nahiga at tuluyan nang nakatulog. Kinabukasan. Maagang nagising ang kambal at pinipilit gisingin ang mag- asawa. Naroong tumatalon- talon ang mga ito at sinasakyan ang mag- asawa. "Zia, Zion, stop it!" Mahinang saway ni Nathaniel na nakapikit pa rin. "Daddy, Mom! Wake up!" Ungot naman ni Zia at pinupog nang halik ang kanyang ama. Nangingiti naman si Nathan kahit pa nakapikit. Day off niya ngayon kaya, gusto niya sanang tanghaliin ng gising. Marami siyang inasikaso kahapon para