OVER- time si Cedric. Marami talagang tambak na gawain sa kanyang opisina dahil sa ilang linggong hindi niya pagpasok. Kanina pa siya sa opisina pero ni hindi man lamang tumawag ang kanyang asawa. Bagay na ipinagtataka ni Cedric dahil lagi namang tumatawag sa kanya si Gabriella kapag nasa opisina pa siya. Kaya tinawagan niya si Thorn na nasa lobby lamang. "Ipinapatawag mo raw ako, bakit?" bungad ni Thorn kay Cedric. "Maupo ka! Itatanong ko lang sana kung okay lang ba si Brie pagkagaling niyo sa Mall?" sagot ni Cedric. "Okay naman siya, bakit?" muling tanong ni Thorn. "Wala! Nagtataka lang ako, maghapong hindi tumawag. Ngayon lang ito nangyari samantalang tawag 'yun ng tawag lalo na kapag over- time ako." Saad ni Cedric. Hindi nakasagot si Thorn siya man din ay napaisip. Minsan kasi ay