NAGING maayos naman ang pagsasama nina Cedric at Brie nitong mga nakaraang araw. Wala nang mahihiling pa si Brie kundi ang laging kaligtasan ng kanyang asawa. Lalo pa't hindi naman palaging maganda ang takbo ng buhay ng mga bilyonaryong kagaya ng kanyang asawa. May mga maiinggit at magagalit pa rin dahil sa mga tinatamasa nitong tagumpay at patuloy na pag- angat sa buhay. Kagaya nang umgang iyon, asikasong- asikaso na naman ni Gabriella ang kanyang asawa na papasok na sa trabaho nito. "Lagi kang mag- iingat honey!" malambing na sabi Gabriella at tumingkayad ito upang mahagkan ang pisngi ni Cedric. Ngumiti naman nang maluwang si Cedric at hinapit ang kanyang asawa saka mabilis na hinalikan sa labi. "I will honey! Para sa'yo," masayang sagot ni Cedric. Napahagikhik si Gabriella at isinub