HALOS dalawang linggo sila sa isla. Masayang- masaya ang bagong kasal at sobra silang nag- enjoy sa isla. Lahat ng puwedeng posisyon ng dalawang nagmamahalan ay kanilang ginawa. Sobrang madaming natutunan si Gabriella na kay Cedric lang niya nakuha. Mahusay kasi ang kanyang tagpagturo. Kaya agad itong natuto sa lahat- lahat. Pati pag- drive, pagsakay sa kabayo at pag- asinta gamit ang palaso. Ang manguha ng preskong isda ay kanya ring natutuna. Medyo nga naging tan sila dahil sa kanilang pamamalagi sa isla. Labis naman ang kasiyahang nadama ni Carlito dahil kapwa masaya na ang kanyang dalawang anak. Ngayon ang araw ng pagbabalik nina Cedric sa lungsod. Tapos na ang kanilang honeymoon kaya kailangan na rin si Cedric sa kanilang opisina. Marami nang nakatambak na kanyang gawain. Kaagad sila