Maagang gumising si Cedric kahit ang totoo, hindi naman siya gaanong nakatulog. Naninibago pa kasi siyang may katabi sa pagtulog lalo pa't humihilik si Gabriella. Napangiti siya nang maisip ang dalaga. Malawak na nga ang kanyang kama, malikot pa ring matulog ang dalaga. "Yaya!" Tawag niya kay Ada nang makita niya ito. Kaagad namang lumapit si Yaya Ada sa binata. "Bakit po, Senyorito?" Tanong ni Yaya Ada rito. "Pakigising na po si Brie, sasama siya sa opisina magmula ngayon." Utos niya sa matanda at muling humigop ng kape. Natigilan saglit si Yaya Ada na tila nag- isip. Muli itong nilingon kung kaya't dali- dali na itong umalis para gisingin si Gabriella. Pagkapasok naman ni Yaya Ada sa kuwarto ni Cedric ay nakita na niyang nakabangon na si Gabriella. "Naku! Dalian mo na riyan at h