Pinauna rin ni Cedric kinalaunan si Gabriella na umuwi. Nagpaiwan muna siya sa kanyang opisina at nagmumuni- muni. Ayaw niya kasing magpasya nang hindi naman sigurado. At saka, puwede ba kayang mangyari iyun? Siya kasi ang taong hindi naniniwala sa love at first sight or love is blind. At lalong- lalong hindi siya naniniwala sa, may forever. Bitter na siya kung bitter but, iyun ang kanyang paniniwala. "Senyorito, hindi pa ba tayo uuwi?" Untag sa kanya ni Warren na hindi na pala niya namalayang pumasok sa loob ng kanyang opisina. Nagbuga siya ng hangin at kumurap- kurap. Bumuntonghininga siya kinalaunan. "Mukhang may problema kayo, Senyorito?" Muling tanong ni Warren sa kanya. "No, wala ito! Kumusta pala si Brie?" Pagkakaila niyang sinabi. "Okay naman po siya, nasa bahay na nga eh!" T