Walang pagsidlang saya ang naramdaman ni Gabriella dahil sa kanilang ginawa ni Cedric na halos magdamagan na. Halos hindi niya maikilos ang sarili dahil sa panlalata at panghihina. Idagdag pa ang pananakit ng kanyang buong katawan, sa tangkad at bigat ba naman ni Cedric. Lalo pa't kung anong tangkad niya ay siya namang laki ng kanyang alaga. Hindi nga niya lubos maisip na, nakayanan nga niya iyun ng siya ay pasukin. Gumalaw- galaw ang talukap ng kanyang mga mata at bahagyang kumilos. May biglang dumampi sa kanyang pisngi. Napangiti siya kahit hindi pa siya nagmumulat. Alam niyang si Cedric iyun. Hinatak siya at saka niyakap. "Gising na," bulong nito sa kanyang tainga. "Masakit ang buong katawan ko," ganting bulong niya. Muli siyang hinalikan ni Cedric sa pisngi. "Sorry na! Nakakagigi