Hindi malaman ni Gabriella kung ano ang magiging reaksyon niya. Nasa kanyang harapan ngayon ang lalaking bangungot sa kanyang buhay. Napalunok siya dahil natuyo ang kanyang lalamunan. Habang hawak pa rin siya ni Thorn sa beywang. "Finally, I've found you my lost angel!" Wika ni Tyler habang papalapit ito sa kanila. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Muling nanginig ang kanyang tuhod. "Relax! Stay calm, and don't uttered a words." Bulong sa kanya ni Thorn. Napatango siya ng wala sa sarili. Sinalubong niya ang tingin ni Tyler sa kanya. Nakangisi ito na tila ba isang ngising demonyo. "How are you, Gabby of my life?" Anas nito na nakatitig sa kanyang mukha. "Excuse me! You've got the wrong person, Mr. Santos!" Mula sa kanilang likuran ay lumitaw si Cedric. Nilapitan niya si Gabriell