Busangot pa rin ang mukha ni Gabriella kahit nakahiga na siya. Hindi na niya nakita pa si Cedric hanggang hapunan nila. Sa laki ng Mansiyon, hindi niya alam kung saang banda ito naroon. Tumagilid siya nang higa, muli niyang naisip ang nangyari kanina. Hanggang ngayon, nakakadama pa rin siya nang takot dahil sa bulto ni Tyler. Pakiramdam niya, anumang oras ay kukunin siya mula kay Cedric. At pakiramdam niya, ayaw niyang mapahamak ang binata nang dahil sa kanya. Biglang bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan niya. Agad siyang lumingon, si Cedric pala. Nakatingin ito sa kanya pero, hindi nagsasalita. "Saan ka galing?" Lakas- loob niyang tanong. "May inasikaso lang," tugon nito sabay alis sa sapatos nito at medyas. Isinunod nito ang coat at polo, kaya malayang nakikita ni Gabriella