Maghapong naguguluhan si Gabriella sa ugali ni Cedric. Hindi na nga siya nito hiniwalay sa tabi nito. Kahit nga pagkain niya at kung saan siya magpunta ay nakabuntot ito sa kanya. "Sabihin mo nga sa akin, bakit mo ba ako binabantayan maghapon?" Tanong niya nang hindi na siya makatiis pa. Nasamid si Cedric sa kanyang iniinom dahilan upang maubo ito ng diretso. Nag- aalala namang nilapitan ito ng dalaga at tinapik- tapik ang likod ng binata. "Okay ka lang ba, ha?" Worried niyang tanong. Tumikhim ang binata at tumango- tango. Napatingin siya sa dalaga at bumaba ang tingin niya sa labi nito. Muli siyang napaubo at isinubo niya sa bibig ng dalaga ang hawak niyang lumpia. Nagmimeryenda kasi silang dalawa sa loob ng opisina ni Cedric. "Kung anu- ano kasi sinasabi mo, gutom mo lang 'yan!" K