Maagang nagising si Gabriella dahil maaga rin siyang natulog kagabi. Nag- inat siya at muling naghikab. Natigilan siya nang masulyapang nakayakap si Cedric sa kanya. Mabilis siyang napalunok at namula ang kanyang pisngi. Hindi rin siya makakilos dahil malalakas ang kabog sa kanyang dibdib. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga ng binata. Nanunuot hanggang sa kaliit- liitang bahagi ng kanyang katawan. Tila milyon- milyong boltahe ng kuryente ang tila gumapang sa lahat ng bahagi ng kanyang katawan. Taas- baba ang kanyang dibdib dahil sa malakas niyang paghinga. Cedric move a little bit and moaned. Na mas lalong nagpainit sa pisngi ng dalaga. Maingat niyang inalis ang braso ng binata sa kanyang tiyan nang hindi na ito gumalaw. Marahan siyang bumangon, akma na siyang bababa sa kama nang l