“NAPAKAGANDA mo, ate, para kang anghel na bumaba mula sa kalangitan,” puno ng pagkamangha na wika sa akin ng bunso kong kapatid na si Aya nang makita ako suot na ang aking kumikinang na wedding gown na galing pa ng Paris. “Kaya nga na-in-love ang Kuya Oliver mo dahil nadala sa kagandahan ng ate mo,” Mia said jokingly. “Masaya ako para sa 'yo, ate. Mukhang mabait naman si Kuya Oliver at mukhang mahal ka niya, kaya sana maging masaya ka sa kanya.” Si Jordan. Suot nito ang black tuxedo. Napangiti naman ako. “Oh siya, tara na nga at baka magkaiyakan pa tayo rito, masira pa ang makeup ko.” Natatawa na kaming lumabas ng mansyon at sumakay sa kotse na naghihintay na sa labas. It's my wedding today, kasal na namin ni Oliver. Isang buwan din ang ginawa naming paghahanda sa aming kasal, at sa w