Napalunok ako sa kanyang tanong at napatitig sa kanyang malamlam na mga mata na ngayo'y nakatitig din sa akin habang naghihintay sa sagot ko. Mahalin niya at manatili sa piling niya habambuhay? Kung seryoso siya, then why not? Ama siya ng anak ko, at pangarap ko rin naman na magkaroon ng buo at masayang pamilya ang anak ko, dahil ayokong matulad siya sa akin na walang mga magulang. Ang lungkot kaya kapag hindi buo ang pamilya. Kaya lang… “P-Paano kung sasabihin kong oo, anong gagawin mo?” I asked in a low voice accompanied by a swallow. My heart beat faster, tila magigiba na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. “What else?” Oliver gave me a warm smile. “Syempre, aalagaan kita, kayo ng anak natin... at magiging anak pa. Mamahalin ko kayo ng sobra at poprotektahan. A