Pagkababa ng mga armadong lalaki sa kanilang mga sasakyan ay agad nitong pinalibutan ang kotseng sinasakyan namin ni Cole at tinutukan ng kanilang hawak na baril. Sunod-sunod naman akong napalunok habang nanlalaki ang mga mata; hanggang sa muli akong nagulat nang marinig ang malakas na pagkatok sa bintana. Nang mapatingin ako sa labas ay nakita ko ang kamay na nakasuot ng itim na gloves at may hawak na baril, 'yung mismong hawak nitong baril ang ginawang pang katok sa bintana ng kotse. “Oh my god, b-babe…” Napakapit na ako sa braso ni Cole dahil sa takot, pero nang mapatingin naman ako sa kanya ay kalmado lang habang nakatingin sa mga armadong lalaki sa labas; pansin ko ang paglabas ng ugat sa kanyang mga kamay dahil sa higpit ng pagkapit niya sa manibela ng sasakyan. Nang tumingin ako s