THE ACCOMPLISH "Nooooo!" Malakas na hiyaw ang umalingawngaw sa loob ng hukuman. Doon ay hindi na nila makontrol si Maricar at kinailangang guwardiyahan ng dalawang pulis na nasa loob ng kuhumang iyon. "Miss Samaniego, naririto tayo upang litisin ang kamatayan ng iyong ama hindi para ikaw ay magwala." Ang babalang turan ng judge dito. "Attorney Raymundo, hopefully you explain to your client our rules and regulation when we're at the court." Baling pa nito sa personal attorney ng dalaga. "Continue.." muling turan ng hukom ng tuluyang kumalma si Maricar na matatalim ang titig sa babaeng nasa witness stand. Umupo naman si Miss Delaila sa tabi ni Miya saka pinisil ang palad nito at isang bahagyang ngiti. "You are here to stand the truth but nothing but the truth so help may God." Turan ng