MISS DELAILA'S PAST "Ano ba namang bata ka! Bakit ka nanggugulat!" Gilalas ni Edna sa kasamang si Delaila. Sa edad nitong bente dos ay kinupkop ito nang senyora upang pag-aralin. "Aling Edna.." nanginginig na turan nito. Nataranta si Edna nang makitang umiiyak ang dalaga. "Aling Ednaaa..." anito sabay hagulgol. "Ano bang nangyayari sa'yo bata ka. Mali-late ka na sa klase mo.." anito sabay alo rito pero panay ang hagulgol ng dalaga. Hanggang sa makita ang hawak nito. Isang pregnancy test kit iyon. Napalunok siya nang makita ang dalawang pulang guhit noon. Maging siya ay tila nawalan ng lakas para sa dalagang kasama. Batid niyang hindi pwedeng malaman ni Senyora na buntis ito dahil malamang sa kalye ito pupulutin. Gaya nga ng inaasahan ni Edna ay humingi ng tulong sa kaniya si Delaila. B