Hera Nyx Taevas Hindi talaga ako komportable kapag nagkakaroon ng buwanang dalaw. ‘Hay! Bakit kasi kailangan pa maranasan ng babae ito!’ Iyan ang palagi kong linya kapag nagkakaroon. Nagiging moody din talaga ako kapag ganitong mayroon ako. ‘Girls monthly problem na ata talaga ito.’ “Anong oras pasok mo?” tanong sa akin ni Rachel ng maabutan ko siya sa hapag kainan papuntang banyo. “Okay ka lang?” tanong niya. “Girls problem!” sagot ko. “Ano pa bang aasahan mo kapag may monthly period!” Imbes dumiretso sa banyo ay umupo ako sa kaniyang tapat. “Ahh!” tango niya. “Kaya pala na pra-praning na naman si Aleric dahil sinumpong ka na naman. Hahaha!” “Hay naku! Hayaan mo siya. ‘Di ko na kailangan pang bigyan ng pansin lahat ng kaniyang sinasabi. Pati si Romeo pinagseselosan niya.” “Paano ba