Aimee Hao Nilapag ko ang isang sobre sa lamesa. “Sobra-sobra ang pera na iyan para sa ipapagawa ko!” saad ko. Malaki ang ngiti ng lalaki ng makita kung gaano kakapal ang pera. “Boss, ano ba ang ipapagawa mo?” tanong niya. Inamoy-amoy pa ang pera ng kuhanin iyon sa loob ng sobre. “I-report mo lang lahat sa akin ang mga nangyayari at ginagawa ni Aleric,” tugon ko. “Lahat-lahat. Kung saan siya nagpupunta at kung sino ang kasama niya. Lalo na kung may mga babae umaaligid sa kaniya.” Napayakap ako sa aking braso. ‘Sigurado ako sa aking kutob na may ibang babae na si Aleric kaya kung itapon niya ako ay parang isang maruming basahan.’ Napangiwi ang lalaki, “Noted, Boss! Huwag kang mag-alala. Hindi ako papalpak. Sisiguraduhin ko sa iyo na may good news akong ibibigay sa inyo.” “Hindi ko k