Taevas Residence Halos maihi na sa kakiligan si Hilirie habang binabasa ang reply ng ka-chat niya. Maging ang kaniyang mukha ay pulang-pula dahil sa hiya. “Hui!” Kinalabit ni Tina ang kapatid. “Buang ka ba?” tanong sa kaniya. “Wala!” tanggi niya. “Wala? E bakit nangingiti ka ng parang baliw habang nag te-text?” “Chat ‘to!” tugon niya. “Chat o text pareho lang iyon.” Sagot niya kay Hilarie. “Ayie!!!” Kinikilig na sambit ni Hilarie. Napahawak pa ito sa kamay ng kapatid at pinisil-pisil. “Kinikilig ako… I think I found the right guy who appreciates my beauty, personality and past!” Hindi naman nakapagpigil si Tina at mahinang sinapok ang ulo ng kapatid. “Umayos-ayos ka nga riyan! Hindi ka na dalaga para mag-gaganiyan. Kung may lalaki kang seseryosohin hindi iyong pakikiligin ka lang