Aimee Hao Ang dami kong tanong sa aking sarili kung bakit nga ba nangyayari ang lahat ng ito sa buhay ko. Ito ba ang tinatawag nilang karma dahil sa kasamaan na ginawa ko? Pero ano ba ang napakasama kong ginawa sa ibang tao para maging miserable at impyerno ako ngayon? Dahil ba iyon sa ginawa ko kay Hera? Pero bakit kailangan akong parusahan ng ganito? Gusto ko lang naman mabawi ang lalaking minahal ko. Dahil ba naging mahigpit ako sa mga kapatid ko? Gusto ko lang naman silang protektahan. Hindi ba’t kalabisan naman ang parusang ito? ‘Deserve ko ba talaga ito?’ Walang tigil ang pag-agos ng luha ko sa aking mga mata. Tulala sa kawalan. ‘Ito na ba ang magiging buhay ko? Wala bang taong magliligtas sa akin? Ang pamilya ko?! Hinahanap kaya nila ako?’ Napapikit ang aking mata nang masila