Hera Nyx Taevas Nang magising ako ay tirik na tirik na ang araw sa labas ng bintana. ‘Napasarap ang tulog ko dahil sa ininom kong alak.’ Pagbangon ko ay hinanap ko ang aking mga kasamahan, pero wala na sila. ‘Nakauwi kaya si Rachel?’ tanong sa aking sarili. Pag-uwi ko kagabi ay natulog na ako kaagad pagkatapos kong mag-shower kaya’t hindi ko namalayan kung nakauwi ba siya o hindi. Dahil mag-isa ay ginanahan akong gumawa ng mga gawain bahay katulad ng paglalaba ng aking mga damit, pagwawalis at paglalampaso sa buong sala at kwarto. Huminto lang ako sa aking ginagawa ng maramdaman ang kumakalam kong sikmura. Naghalungkat ako ng makakain sa ref. “Pwede na ‘to!” saad ko ng kunin ang itlog sa ref. ‘Nilaga ko na lang iyon.’ Nang mailaga ay nilagyan ko na lang iyon ng kamatis at kaunting pat