Marvin Hao Papunta sa lokasyon na sinend sa akin ni Jerald ay namataan ko na ang isang sasakyan na sumusunod sa akin. ‘Dahil paranoid at posible naman talaga mangyari iyon ay minatyagan ko siya.’ Sinubukan kong ibahin ang aking daan. Nang makitang sumusunod pa rin ay napagtanto ko na tama ang aking hinala. ‘Maaaring tauhan iyon ni Fernando.’ Kinuha ko ang aking cellphone at dinayal ang number ni Jerald. Kung itutuloy ko ang pakikipagkita sa kanila ay maaaring makatugon si Fernando sa maaaring planohin namin. “May nakasunod sa akin,” sabi ko ng sagutin ni Jerald ang aking tawag. “Hayaan mo siyang sumunod,” saad ni Jerald. “Mapapansin mo na may isang sasakyan pa na nasa likuran niya. Tauhan iyan na ipinadala ni Lord. Basta sundin mo lang ang pinag-usapan natin. Sasabihin ko sa iyo lahat