Aleric Zeus Marcet
“Aleric, please talk to me! It’s been a week. Kaya mo ba talagang tikisin ako?” tanong ni Aimee sa akin. “I’m begging you, don’t leave me!”
Simula ng nakipaghiwalay ako sa kaniya ay araw-araw niya akong ginugulo sa aking opisina at nagmamakaawa na balikan siya.
“Don’t do this to yourself, Aimee. Bigyan mo naman ng kaunting respeto ang sarili mo,” sabi ko. “I’m sorry!”
Paalis na ako ng opisina ng biglang hablutin ni Aimee ang binti ko at nagmamakaawa na huwag akong umalis.
“Let go!” saad ko.
“No!” giit niya. “Hindi kita bibitawan hangga’t hindi mo binabawi ang desisyon mo.”
Nagmatigas ako. Kahit masaktan siya ay wala naman akong choice. Sapilitan kong tinanggal ang kaniyang mga kamay na nakayakap sa aking mga binti.
“President, tumawag si Mr. Hao. Gusto po niya kayo maka-usap.”
Inabot sa akin ni Derek ang maliit na note. Nakalagay doon ang oras at pangalan ng lugar kung saan kami magkikita.
“Okay!” sagot ko. “Adjust my meeting,” bilin ko. “This is the right time para maging malinaw na ang lahat kay Tito Marvin.”
Pumunta ako sa nasabing oras at lugar. Isa iyong high class restaurant malapit sa kumpanya ni Tito Marvin.
Nang makarating sa lugar ay nakita kong may kausap pa siyang mga tao. Pero ilang sandali pa ay nagsitayuan na sila at nakipagkamay kay Tito Marvin.
“Tito!” usal ko ng makalapit sa kaniya.
Nilahad niya ang kamay sa upuan, “Take a seat!”
Umupo ako at taimtim na hinihintay ang kaniyang sasabihin sa akin.
“Mayroon ka bang gustong sabihin?” tanong niya. “Ayoko na ng paligoy-ligoy pa, Aleric. Alam mo kung bakit kita gustong makausap.”
Napalunok ako. Ilang sandali pa akong natahimik bago ibuka ang aking bibig.
“I’m sorry, Tito!” Iyon ang una kong nasabi. “I’m sorry for hurting Aimee because of my selfish decision. Hindi ko na po kayang lokohin ang sarili ko dahil si Hera talaga ang mahal na mahal ko.”
“Alam mo ba ang posibilidad na maaaring mangyari dahil sa ginawa mong desisyon?” tanong niya.
“Opo!” sagot ko.
“Alam natin pareho na hindi mo mapapasuko basta-basta si Aimee. Manang-mana iyon sa nanay niya, e!” nakangiting tugon sa akin ni Tito. “As for Hera, siya naman ang klase ng tao na willing i-sacrifice ang sarili para sa kaligayahan ng iba. She’s so soft hearted lalo na pagdating sa aming pamilya niya. Mas gugustuhin niyang masaktan ang sarili kaysa ang iba. You know what happened to our family,” kwento niya.
“Ginagawa ko po ang lahat para matanggap ni Aimee ang paghihiwalay namin. Kahit anong pagmamakaawa niya ay binabalewala ko dahil iyon ang tama. Naging mahina po ako dahil nagpadala ako noon sa awa niya. Sa paki-usap niyo. At iyon ang naging maling desisyon ko.”
“I admire you because you have the guts to fight for your love.” Tumingin siya sa akin. “Pero hindi magiging madali ang lahat.”
“Alam ko po. Kaya nga hanggang ngayon ay pinipigilan ko pa rin lapitan si Hera hangga’t hindi pa naayos ang tungkol sa amin ni Aimee. That is the only way I know para lang protektahan si Hera sa ngayon.”
“Take it slowly, but surely.” Tinapik ako ni Tito Marvin sa balikat.
Naging magaan ang pakiramdam ko ng makuha ang suporta ni Tito. ‘Akala ko ay magagalit siya sa akin dahil sa ginawa ko at nalaman niya tungkol sa amin ni Hera.’
Nagmamaneho na ako pabalik sa airport nang makatanggap ng tawag mula kay Derek.
“President, napadala ko na po sa unit ni Captain!” pagbabalita niya. “Hindi ko rin po nakalimutan ilagay ang note na pinapasulat niyo sa kaniya.
“Good! Kahit papaano ay maaasahan ka pa rin talaga,” sagot ko.
“Ang sama talaga ng ugali mo! Wala ‘man lang akong makuhang benefits sa pagtulong sa iyo,” reklamo niya.
“Ano pa bang benefits ang gusto mo? Tinaasan ko na ang sahod mo?! Hindi na rin kita pinapapasok ng Saturday dahil sabi mo iyon ang time na kasama mo si Rachel. Hindi pa ba sapat iyon at nag de-demand ka pa? Aba! Sumosobra ka na!”
“Ang dami mo naman sinumbat! Tumahimik ka na nga lang,” pambabara sa akin ni Derek sabay baba ng tawag.
Hera Nyx Taevas
Nagising ako sa alingawngaw ng tunog ng aking cellphone. Pinabayaan ko lang iyon dahil sa pag-aakala na hindi ulit tutunog. Ilang segundo lang ang lumipas ay nag ring na naman iyon.
Kinuha ko iyon at tiningnan ang caller ID. ‘Si Daddy!’
“Daddy,” sambit ko ng sagutin ang tawag.
“Natutulog ka pa ba?” tanong niya sa kabilang linya.
“Uhm!” sagot ko. “Napatawag po kayo?” tanong ko.
“Bago ako umalis sa bahay kanina ay kinukulit na ako ni Hersey na tawagan ka. Nangako ka na bibisitahin mo siya pero ilang buwan na ang nakalipas at hindi mo pa rin siya pinupuntahan,” paliwanag niya. “Kilala mo naman si Hersey. Hindi nakakalimot sa mga promises. At pinapasabi niya na kapag hindi mo siya pinuntahan magtatampo na.”
“Okay. Ako na po ang susundo mamaya sa kaniya sa school.” Sa sobrang abala sa trabaho ay nakalimutan ko nga ang pangako sa aking kapatid. Pwede mong baliin ang pangako sa iba pero hindi sa kaniya dahil maramdamin siya. ‘Marahil dahil na rin sa sakit niya.’
“Good! Text or call me when you’re together.”
Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko pang kumakain si Carol sa lamesa. Nang makita ako ay kaagad naman niya akong binati.
“Tinanghali ka na ata ng gising?” tanong niya.
Nag-inat at napahikab pa ako ng umupo sa katapat niyang upuan.
“Napasarap ang tulog ko,” sabi ko.
Inalok niya ako ng pagkain, “Kain tayo!” sabi niya.
“Mamaya na ako,” tugon ko. “Bakit nandito ka pa pala?” tanong ko.
“Na-move ang schedule ko kaya nagmumuni-muni muna ako kumain,” tugon sa akin. “Teka, may tatanungin pala ako. Kilala mo si Chan, hindi ba?”
Tumango ako. “Bakit?” usisa ko.
“Wala naman! Nirereto kasi sa akin ni Rachel. Naki-usap daw si Chan kung pwede daw bang manligaw. E parang hindi ko naman bet.”
“Try mo na lang! Single ka naman, ‘di ba? At saka okay naman siyang kasama. Malakas ang sense of humor. The way na mag-isip ay napaka matured at family oriented. Siya kasi ang bread winner sa family niya.”
“Sure ka?” tanong niya sa akin. “Baka mamaya katulad lang ng ex ko iyan ha?” tawa niyang tanong.
“Hindi naman siguro kasi wala naman akong nabalitaan na nagkaroon siya ng girlfriend sa mga F.A natin.” Paliwanag ko. “Well, lahat naman ng sinasabi ko ay base lang sa nakikita at naiisip ko. Ikaw pa rin naman ang magde-decide kung willing kang bigyan ng chance ang tao. Malay mo naman, ‘di ba?”
“Since, maganda naman ang opinyon mo about him. I’ll give it a try. Pero kapag katulad lang siya ng ex ko, itatapon ko talaga siya ng ibang planeta.”
Napangisi ako, “As if naman magagawa mo iyon! Hahaha. Goodluck. Ngayon pa lang binabati na kita dahil pinatunayan mo lang na naka move-on ka na sa ex mo at soon magiging in a relationship na.”
“Masyado pang maaga para magdiwang. Hahaha.”
Paalis na kami ni Carol ng may mag doorbell sa pinto.
“Are you expecting someone?” tanong ko kay Carol.
Umiling siya, “Wala naman. Just check it! Kailangan ko lang magbanyo sandali.”
Nang buksan ko ang pintuan ay si Chan ang bumungad sa akin. Malaki ang ngiti at pinapupungay pa ang mata. May dala siyang bulaklak at tsokolate.
“Paalis na kami ni Carol ngayon ka pa manliligaw!” saad ko.
“Talaga?” Excited niyang tanong. Pasulyap-sulyap pa siya sa aking likuran. “Sana pala kanina pa ako pumunta. Late na kasi ako inutusan ni Derek, e!” Inabot niya sa akin ang dala-dala.
“Ano ito?” tanong ko.
Inismiran niya ako, “Basahin mo na lang iyong notes.” Ilang sandali pa at nagsalita muli, “Hindi mo ba ako patutuluyin?”
Niluwagan ko ang pinto para makapasok siya.
Nasa bulaklak ang atensyon ko at wala sa kaniya.
“Bahala ka na kung saan mo gusto umupo,” saad ko.
Pumasok ako sa kwarto at ni-lock ang pinto.
Binasa ko ang nakasulat sa note.
“Whatever comes our way and whatever happens, we’re in this together. Please be patient. When the time comes, I will tell the whole world how much I love you.” - From your ex and future boyfriend.
Huminga na lang ako ng malalim at iniwan sa kwarto ang binigay ni Aleric.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko naman magkausap si Carol at Chan.
‘Kulang na lang itupi sa apat ang katawan ni Chan dahil sa hiya at kilig habang kinakausap si Carol.’
“Tara na, Hera!” yaya ni Carol. “Sasabay na sa akin ni rin sa akin si Chan pabalik sa airport.”
“Close na kayo?” tanong ko. Nginitian ko na lang ang dalawa.
“Ayie! Nakakahiya ‘man pero hindi na ako tatanggi,” sabat ni Chan.
“What?” bulalas ni Carol. “Ikaw nga itong nagpipilit na sumabay sa akin tapos hindi ka tatanggi? May saltik ka ba?” Tumingin siya sa akin. “May problema ata sa itak ito, e!”
“Hindi naman!” tanggi ni Chan. “Puso ko ang may problema,” segway pa niya.
Inirapan na lang siya ni Carol at naunang lumabas.
Sabay kaming umalis. Naghiwalay na kami pagdating sa parking dahil magkaiba ng direction ang pupuntahan namin.
Almost 15-20 minutes din inabot ang pagda-drive ko papunta sa school ni Hersey dahil traffic sa main road. Pumarada ako sa labas ng exit gate kung saan madali kong makikita si Hersey. Dahil special child siya ay sa special school din siya nag-aaral. Not to mention na isa sa pinaka kilala at mahal na eskwelahan ito.
Mag-aalas tres na ng hapon ng makita kong isa-isa ng nagsisilabasan ang mga estudyante sa eskwelahan. Ilang minuto pa akong naghintay sa loob ng kotse ng matanawan si Hersey na nagkukusot ng mata at panay ang hikbi.
Nakaramdam ako ng lungkot at pag-aalala ng makita siya kaya’t bumaba ako kaagad ng sasakyan.
“Hersey!” tawag ko sa kaniya.
Nang umangat ang tingin sa akin ay napansin kong namumula ang kaniyang mata dahil sa pag-iyak.
“Captain!” tawag niyang tugon sa akin at tumakbo palabas ng gate.
Sinalubong ko ng yakap ang kaniyang yakap. Hinimas-himas ko rin ang kaniyang buhok para tumigil sa pag-iyak.
“Anong nangyari?” tanong ko. “May masakit ba sa iyo?”
Tumango siya. “Look, Ate!” Pinakita niya ang sugat sa braso. “My classmate scratched it,” sumbong niya.
“Let me see.” Kinuha ko ang kaniyang braso at tiningnan ang sinasabi niyang sugat. Ngumiti ako ng makita iyon. Maliit iyon at hindi naman ganoon kalalim ang kalmot. “Tara sa kotse at gagamutin ko,” sabi ko. Hinatak ko siya papuntang kotse.
Pagsakay namin pareho sa kotse ay kinuha ko ang band-air sa aking bag at tinapal iyon sa kaniyang braso.
“Thank you, Ate Captain!”
“Stop crying na. Big girl ka na hindi ba? Dapat strong ka lang at hindi umiiyak.” Inalo ko siya at ng hindi mapatahan ay kailangan ko pa siyang uto-utoin. “Tumahan ka na at mamamasyal tayo. Gusto mo iyon?”
“Talaga?” tanong niya.
“Yes!” nakangiti kong sagot. “Kaya nga ako ang nagsundo sa iyo, e. We will do anything you want just to make you happy.”
Pumalakpak siya, “Yehey!” Hinawakan niya ang kamay ko, “I will not cry anymore, Ate. Magiging brave na rin ako. I promise. Basta palagi mo akong susunduin dito sa school, ha?”
“I can’t promise you but I will try.” Hinawakan ko siya sa baba at pinisil iyon. “Alam mo naman busy ako sa trabaho, hindi ba? At isa pa magagalit sila Tita Naomi at mga kapatid mo kapag nalaman nila na magkasama tayo.”
“I know!” sagot niya. “But I really miss you, Ate. Ikaw lang naman ang nakikipag play sa akin. At si Daddy, but Mommy, Ate Aimee, Kuya Nigel, Kuya Austin, and Ate Cassie don’t like me. They don’t love me.”
“Of course, not! They care about you. They will protect you no matter what because you’re our dearest Hersey.” Niyakap ko siya at siniksik sa aking dib-dib. “Huwag mo ng iisipin iyon dahil hindi iyon totoo. Mahal ka namin.”
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin.
“Ate, can we eat now? I’m hungry na.”
Ngumiti ako, “Okay! Let’s eat at your favorite restaurant.”
Excited akong hinatak ni Hersey papasok sa Mall. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niyang gawin para lang mapasaya siya.
Habang hinihintay ang order ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Daddy.
“Dad, I’m with her!” sagot ko. Ni-loudspeaker ko ang cellphone at tinapat iyon sa bibig ni Hersey. “Say Hi to Daddy,” sabi.
Masigla naman siyang nagsalita ng malaman na si Daddy ang aking kausap.
“Daddy, thank you. Ate Captain is here now.”
Napahagikgik naman si Daddy, “I told you, Ate Captain will make it up to you. Enjoy your day. Behave at huwag magpasaway sa ate,” bilin niya.
“I already know it, Daddy. I will behave. So don’t worry.”
Inasikaso ko si Hersey habang magkasama kaming kumakain. May pagkakataon na nagsusubuan pa kaming dalawa at nagkukulitan. Marami rin siyang kinu-kwento tungkol sa mga nangyayari sa kaniya sa school.
Inikot namin ang buong mall. Kapag mayroon siyang gustong tingnan na stall ay sinasamahan ko lang siya. Hindi na nakakapagtaka na ang dami ko na naman bit-bit dahil ang dami niyang gustong ipabili.
Hindi na namin namalayan ang oras dahil paglabas namin ng mall ay madilim na ang kalangitan. Hinatid ko na siya sa bahay dahil ayoko rin pag-alalahanin si Daddy at ang kaniyang pamilya. ‘Tiyak na makakarinig na naman ako kay Tita Naomi pero wala sa akin iyon basta napasaya ko ang aking kapatid.’
Pinarada ko ang kotse sa labas ng bahay nila Daddy. Nauna naman bumaba si Hersey at nag doorbell para pagbuksan kami ng gate. Habang abala siyang nagtatawag sa mga kasambahay ay kinuha ko naman ang mga pinamili namin.
“Pumasok ka na. Galit na galit na naman ang Mommy mo. Kanina ka pa niya hinihintay.” Iyan ang bungad na sabi ng kasambahay na narinig ko.
“Kalma ka lang, Yaya!” sagot ni Hersey. “I’ll just wait to Ate Captain, okay?!”
Hinintay nga ako ni Hersey hanggang sa makuha ko lahat ang pinamili namin. Nang makita na nahihirapan ako sa pagsara ng compartment ay kinuha niya ang ibang dala ko.
“Thank you,” sabi ko.
Papasok na kami sa gate ng marinig ang busina ng kotse. Automatic naman nagbukas ang gate.
“Daddy!” hiyaw niya at tumakbo papunta kay Daddy na bumaba pa sa kaniyang kotse. “Ang daming binili ni Ate sa akin. Daddy you should see it. Ang gaganda!”
“Mukhang nag-enjoy ang baby ko, ha?” Niyakap ni Daddy si Hersey at iginaya papalapit sa akin. “How’s your day? Pumasok na tayo!” yaya niya.
Tahimik lang akong nakikinig sa mga kinukwento ni Hersey kay Daddy. Hindi maitatangi na natutuwa siya dahil sa mga kinukwento ni Hersey. Hindi lang naman kasi siya ang nag-enjoy kung hindi dalawa kami.
“Nauto mo na naman ang ate mo?”
Sinimangutan siya ni Hersey. “Of course not, Daddy. Ate Captain loves to buy me toys and everything. Because she wants me to be happy unlike my Mommy and my other siblings.
“Sssh!” senyas ni Daddy. “Your Mommy will get angry when she hears what you say.”
“Oops!” natatawang sagot ni Hersey. Nagtakip pa ito ng bibig. “I’m sorry!” bulong niya.
Papasok pa lang kami ng bahay ay naririnig ko na ang galit na boses ni Tita Naomi. Pero ng makita niyang kasama ko si Daddy ay tumahimik na lang siya.
“Good evening, Tita!” bati ko. Kailangan kong magpakatatag kahit pa anong mga salita ang marinig ko.
Dumiretso siya kay Hersey at hindi ako pinansin.
“You make me worried!” saad niya. “Let’s go. Magpalit ka na at kakain na tayo.”
Bago sumama si Hersey sa ina ay hinagkan niya muna ako at hinalikan bago magpaalam.
“Thank you for a wonderful day, Ate Captain.”
“Your welcome,” sagot ko.
Nang makaalis sa aming harapan si Hersey ay binalingan ko naman ng tingin si Daddy.
“Alis na po ako,” paalam ko.
“Dito ka na kumain,” sagot niya.
Umilling ako. “Hindi na po!” tanggi ko.
Hinatid niya ako hanggang sa labas ng bahay nila.
Bago paandarin ang kotse ay bumusina ako senyales ng pagpapaalam. Sa side mirror ay nakita ko pa ang kaniyang pigura na nakatayo roon.
‘Sana’y na akong wala siya sa tabi namin, pero hindi pa rin ako nasasanay na magpaalam sa kaniya. Hanggang ngayon ay nasa puso ko pa rin ang sakit dahil ang pagpapaalam niya noon ay naging trauma sa akin dahil iyon ay senyales na kailanman ay hindi na mabubuo ang pamilya namin.’
Hao Residence of First Family
Galit na galit na pinag buntunan ni Naomi si Hersey ng maka-akyat sa kwarto ng anak. Mahigpit niyang pinisil ang braso ng bata habang pinagsasabihan.
“I told you! Huwag na huwag kang sasama sa babaeng iyon!” Ipit ang tinig pero galit na galit. Natatakot din siya na malaman ni Marvin ang ginagawa niya sa anak. “At ito? Ano itong mga ito, ha?” Isa-isa niyang pinagtatapon ang mga binili ni Hera para sa kapatid.
Wala naman nagawa si Hersey at umiyak na lang. Dinampot niya isa-isa ang mga tinapon ng ina.
“What are you doing?” bulalas ng isang tinig ng makita ang sitwasyon ng anak. Galit na galit din siya ng makitang kalat-kalat ang mga dala ni Hera kanina sa lapag ng kwarto. Agad na tinulungan ang anak na damputin iyon at patahanin sa pag-iyak.
“‘Wag kang makiki-alam sa pagdidisiplina ko sa anak mo!” bulyak ni Naomi sa asawa. “Bakit ba kasi kinukunsinti mo pa ang batang ito na lumapit-lapit kay Hera? Alam mo naman ayaw na ayaw kong nakikita ang anak mo sa labas na dumidikit-dikit sa pamilya natin.”
“Anak ko siya at kapatid siya ni Hersey! Walang masama sa ginagawa ni Hera para mapasaya ang kapatid niya!” Galit niyang tiningnan ang asawa. “Hindi na ako magtataka kung bakit mas malapit ang loob ng anak mo sa kapatid niya, dahil ito ang ginagawa mo sa kaniya!” Pinipilit na pakalmahin ni Marvin ang sarili para hindi ma-trauma si Hersey. Alam niyang matatakot ang anak. “‘Ni isa sa inyo, walang nagparamdam ng pagmamahal kay Hersey dahil sa sakit niya. “Ikaw kailan mo ba nilabas ang anak mo? Hindi ba’t nahihiya kang kasama siya? At ang mga anak mo, kailan ba nila ginawa ang mga ginawa ni Hera? Mabigat ba sa inyo na intindihin si Hersey dahil sa kondisyon niya?!”
“Don’t blame me!” kaswal na sagot ni Naomi. “Kung may dapat sisihin dahil nagkaganiyan ang anak mo ay ikaw iyon! Dahil sa iyo at sa kabit mo!”
“Shut up!” sagot niya. “Inaamin ko ang pagkakamali ko pero ikaw? Inamin mo ba ang pagkakamali mo?” tanong ni Marvin sa asawa. “Sa ating dalawa ikaw ang naunang gumawa ng milagro. Kaya hindi na ako magtataka kung iba ang ugali ng anak mo!”
Nasampal ng malakas ni Naomi si Marvin. Hindi niya matanggap na maging ang kasalanan niya ay nauungkat ng dahil lang kay Hera.
Upang hindi na humaba ang usapan ay umalis na lang si Naomi. Nakakuyom siya sa kaniyang kamay na halos bumaon na ang kuko sa laman.