Chapter 13

3055 Words
Hera Nyx Taevas Hindi na ako tinantanan ni Rachel sa kaka-usisa pagbalik ko sa Manila. May mga nasasabi siya na alam kong si Derek lang ang maaaring magsabi sa kaniya. “Ui!” saad ni Rachel. “Magkwento ka naman sa akin,” sabi niya. “Alam mo kahit walang pasalubong hindi ako magtatampo. Gusto ko lang talaga malaman kung nag improved iyong relationship mo kay P.A.” “P.A?” tanong ko. Tumango siya. Lumapit siya sa akin at binulungan ako, “President Aleric.” Nang makalayo ay muling nagsalita. “So, ano nga?” Inismiran ko siya, “Wala ka na bang trabaho kaya ako ang kinukulit mo?” tanong ko sa kaniya. “Hindi ko pa natatapos ang ginagawa ko kaya pwede ba, tantanan mo muna ako!” Tinuloy ko ang aking ginagawa at hindi na siya pinapansin kahit ano pa ang sabihin niya. “Ito naman, oh! Nambibitin pa sa pag kwe-kwento.” Bumuntong hininga siya. “Basta mamaya sasabihin mo sa akin, ha? At wala kang itatagong detalye, pati na rin iyong nakita kayo ni Derek na sabay kayong lumabas ng kwarto mo!” Dinuro ko sa kaniya ang hawak kong ballpen. “Pagsabihan mo iyang boyfriend mo na huwag magdadaldal ng kung anu-ano. Kapag ako napikon sa kaniya ay sisiguradugin kong tatapyasin ko ang dila niya,” banta ko. “Grabe ka naman!” sungit niyang sagot sa akin. “Basta mamaya sasabihin mo sa akin ang lahat. Naiintindihan mo?” tanong sa akin. Tumayo na siya at tinapik ako sa balikat. Sa wakas, tinigilan na niya rin ako. “Girl!” tawag niya muli sa akin. Hindi ko na siya binigyan pa ng pansin. “Hera,” tawag niyang muli. May galak sa tono ng kaniyang boses. Napatingin ako sa binaba niyang flowers and small lunchbag, “Para sa iyo raw!” bulong pa niya. Tiningnan ko siya, “Kanino galing?” tanong ko. “Ewan ko!” pangisi niyang sagot. “Aalis na ako! Ayoko naman istorbohin ang kilig moments mo, hahaha.” Kinuha ko ang isang bouquet ng roses. Mix color iyon ng red, peach, yellow, and pink. Bawat kulay ng rosas ay tag-ta-tatlo. Inamoy ko iyon at napapikit dahil fresh na fresh ang mga ito. Kinuha ko ang card na nakalagay doon at binasa upang malaman kung kanino ito galing. ‘Pink roses represent my sweetness toward you. Yellow means a new beginning for our relationship. It also indicates how happy I am right now. The peach roses are a sign of getting back together. Lastly, red roses mean I love you dearly. - From your ex but soon to be your boyfriend again.’ Napaisip ako, “Anong ibig niyang sabihin? Anong beginning? Anong getting back together?” tanong ko sa sarili. Ilang sandali pa at narinig kong nag beep ang cellphone. Nang makita iyon ay unknown number pero nang basahin ang message ay nalaman kong si Aleric pala iyon. “Enjoy your breakfast,” bati niya. “One, four, three, Captain!” ‘Saan nanggaling ang mga sweet messages na ito?’ tanong ko. Natataranta na ako. ‘Kaninang umaga paggising ko ay nagulat nga ako dahil magkasama kami sa kwarto. Wala naman nangyari sa amin at bukod pa roon ay magka-bukod kami ng higaan. Pinaliwanag lang niya na nalasing ako kaya inalalayan niya ako. Natatakot din siya na iwanan na lang ako kaya minabuti niyang manatili sa aking tabi.’ Nireplayan ko siya, “Who you?” tanong ko sa text. “You’re future lover,” reply niya. “Nahihibang ka ba?” balik kong tugon. “Stop messing around.” Mabilis siyang magreply, “I’m not messing around. For now, lalayuan muna kita, but when the right time comes, I make sure na hindi na kita titigilan.” May pahabol pa siyang message, “Please accept the food. Si Mommy mismo ang nagluto niyan.” ‘Seryoso ba talaga siya?’ Napabuntong hininga ako. Sinet-aside ko muna ang bulaklak at pagkain para matapos ang report na ginagawa ko. Palabas na ako ng airport ng tawagin ako ni Romeo. Huminto ako at hinintay siya. “Captain,” sabi niya. Hinihingal siya. ‘Hinabol ba niya ako?!’ Nag-iba ang awra ng kaniyang mukha ng makita ang dala kong bulaklak. Pero agad na bumawi ng ngiti. “Pauwi ka na ba?” tanong niya. “Oo. Bakit?” tanong ko. “May problema ba?” Umiling siya, “Mamaya pa kasi ang flight ko. Uhm! Pwede bang yayain kitang mag lunch?” tanong niya. “Kahit diyan lang sa may fast food.” Napatingin ako sa dala kong pagkain at bulaklak. Sandali akong nag-isip para tumugon sa kaniyang tanong. “Pero kung pauwi ka na, okay lang. I can invite you again, some other time.” “Nope! Let’s eat,” sabi ko. “Ilalagay ko lang sa kotse ito. Just wait for me here.” Binalikan ko si Romeo na matiyaga ngang naghihintay sa exit ng airport. “Tara,” saad ko ng makalapit sa kaniya. Malaki ang ngiti niya sa labi. “Okay!” tipid niyang sagot. Nakakailang hakbang pa lang kami ng marinig ang boses ni Derek. Tumakbo siya papalapit sa amin dalawa ni Romeo. “Saan ang punta niyo?” tanong niya. “Niyaya ko lang kumain si Captain Taevas,” sagot ni Romeo. “Ano na naman ang kailangan mo?” tanong ko kay Derek. Hinimas niya ang kaniyang tiyan, “Nagugutom ako. Yayayain sana kita kumain kasama si Rachel,” paliwanag niya. “E ‘di sabay-sabay na tayo!” usal ni Romeo. “Sure! Sure! Tara na. Itetext ko na lang si Rachel para puntahan tayo sa kakainan natin.” Napahinto siya sandali, “Teka, saan pala kayo kakain?” “Diyan lang sa fast food,” sagot ni Romeo. “Okay! Manlilibre ka ba?” kantiyaw ni Derek kay Romeo. “Libre mo na rin kami,” biro niya. “O-Oo ba. Sige,” sang-ayon niya. Sumabat ako, “Ang kapal ng mukha mo! Mas malaki ang sahod mo tapos ikaw pa ang ililibre?! Ikaw ang manlibre,” saad ko. “Bakit ganoon? Ang daya naman!” “Nagrereklamo ka ba?” tanong ko. “Gusto mo bang sabihin ko kay Rachel ang ginawa mo? Saktong-sakto ayon si Chan!” Tinawag ko ng malakas, “Chan!” Sinenyasan ko siya na lumapit. “Nandito pa pala kayo? Anong meron?” tanong ni Chan. “Manlilibre si Derek,” saad ko. Namangha si Chan, “Wow! Napaka generous talaga ng secretary natin,” pang-aasar niya. “Mapapasarap pala ang kain ko ngayon. Pwede rin ba mag take-out?!” Walang nagawa si Derek. Alam kong nagsisisi na siyang uminom kasama si Chan. “Tara na,” masayang sabi ko. “Libre ni Derek kaya kainin natin lahat ng gusto natin. Wahahaha!” Tumingin ako kay Derek, “Tawagan mo na si Rachel, bilis!” Nagmamaktol siyang tiningnan ako. “Hera!” tawag sa akin. Ngumisi lang ako, “Ano?” tanong ko. “Nasaan na iyong picture? Sabi ko sa iyo i-delete mo na, e! Kapag nakita ni Rachel iyon baka mandiri pa siya at iwanan pa ako.” “Ayoko nga!” tangi ko. “Gagamitin ko sa iyo ‘to pang blockmail.” “Ang sama mo talaga,” reklamo niya. Aleric Zeus Marcet Sinalubong niya ako ng yakap pero agad ko rin inilayo ang sarili ko sa kaniya. Nag-iba ang itsura ng kaniyang mukha at may halong pagtataka. “What’s wrong?” tanong niya sa akin. “Aleric, wala naman tayong problema bago tayo bumalik dito sa Pilipinas,” puna niya. “But suddenly, you’ve changed.” Hinawakan niya ako sa magkabilang braso, “Love, you can tell me everything. Kung may mali ako, I’ll make it right. Just say it!” “Aimee, I’m sorry!” usal ko. “Let’s break up!” direktang sambit ko. Sumilay ang mga luha sa kaniyang mga mata. “Bakit?” tanong niya. “May mali ba akong ginawa? Tell me and I’ll fix it. Don’t do this to me Aleric. Alam mo kung gaano kita kamahal. My life is a mess without you. Please. I’m begging you!” “Alam mong wala na akong pagmamahal sa iyo, hindi ba? Kaya lang naman kita binalikan dahil sa paki-usap ni Tita Naomi,” sagot ko. “Mali ako ng balikan kita ulit ng dahil sa awa.” Hinimas ko ang balikat niya pero iniwas niya iyon. “No!” matigas niyang tugon. “Sa tingin mo ba ganoon ako kamanhid para hindi maramdaman na wala ka ng pagmamahal sa akin? Alam kong pinagpipilitan ko lang ang sarili ko sa iyo dahil ito lang naman ang paraan na alam ko para mapa-ibig kang muli. Pero ano pa bang kulang? Lahat binigay ko na.” Huminga ako ng malalim, “I already did my best but I can’t love you again. You deserve someone better. Iyong magmamahal at maibabalik ang pagmamahal na kaya mong ibigay.” “Pero ayoko ng iba. Ikaw lang ang gusto ko.” “Aime, please. Let’s end here,” sagot ko. Masama niya akong tinitigan. “May iba ba, ha” tanong niya. “Una kitang minahal. Una kang naging akin. At hindi ako papayag na maagaw ka na naman ng iba sa akin.” Hindi na ako nakasagot sa kaniyang tanong. Pinagpapalo niya ako at dalawang beses na sinampal. “Hindi ko ibibigay ang gusto mo!” banta niya. “At kung sinuman ang babaeng lumalandi sa iyo, I will not spare her. Gagawin ko ang lahat para hindi ka mapunta sa iba! Hindi ko kayo patatahimikin dalawa!” bulyaw niya. Napahilot ako sa aking sintido. ‘Mas pinalala ko pa ang sitwasyon ko ngayon. Kung noon pa lang hindi na ako pumayag na magkabalikan kami, hindi na sana aabot sa ganito.’ Maaga akong umuwi sa bahay pagkatapos kong tapusin ang aking mga trabaho. Nadatnan ko si Daddy na nagbabasa ng magazine sa may garden pag-uwi ko. Pinuntahan ko siya at tinapik sa balikat. “Dad,” bulong kong tawag. Umupo ako sa kaniyang tabi at sandaling nagpahangin. “May problema ba?” tanong niya habang pini-flip ang hawak na magazine. “Nakipag break na ako kay Aimee,” sagot. Nagkatitigan kami, “Pero hindi siya pumayag? Hindi ba?” tanong niya. “Anak, hindi mo makukuha ang gusto mo ng ganoon kadali. Just give her some time to digest and accept your decision. Whatever happens, dapat panindigan mo na ang desisyon mo.” “I will, Dad! Alam kong biglaan ang naging desisyon ko dahil ito ang makakabuti sa amin dalawa.” “But, stay away from Hera in the meantime. Or else gusto mong magkagulo sila?” tanong niya. “You have to wait patiently. Bago ka sumuong sa paglangoy, hintayin mo munang kumalma ang alon at maging payapa ang dagat.” Sinara niya ang binabasa, “Sa pagkakakilala ko kay Hera, hindi ka rin niya bibigyan ng pagkakataon kaagad. Huwag mong iisipin na porket hiwalay na kayo ng kapatid niya ay pwede mo na siyang ipalit.” Huminga siya ng malalim, “Alam kong mangyayari ito kaya’t kinausap ko na si Marvin tungkol dito.” “About what?” tanong ko. “You and Hera,” kaswal niyang sagot sa akin. “Sinabi ko sa kaniya kung gaano mo kamahal si Hera. I told him na if ever dumating ang point na maghiwalay kayong dalawa ni Aimee ay pagsabihan na lang na huwag ng i-pursue ang relationship niyong dalawa.” “What did he say?” “Tanggap niya na ang lahat. But he can’t promise me na ganoon ka kabilis titigilan ni Aimee. You know very well Aimee, hindi basta-basta sumusuko hangga’t hindi nakukuha ang gusto. As for Hera, alam kong mas pipilitin niyang layuan ka para lang hindi masaktan ang kapatid at pamilya ni Marvin.” “Thank you for your advice,” saad ko. “I’ll protect Hera by all means. Hindi ko hahayaan na masaktan siya ng pamilya ni Aimee. And for Tito Marvin, kakausapin ko siya ng masinsinan tungkol sa nangyari.” Then now I confess and accept my mistake, “I was wrong, Dad. Hindi pala tama na balikan ang isang tao ng dahil sa awa. And I was wrong before dahil hindi ko ‘man lang ipinaglaban si Hera. Sana hindi nangyari ang ganito ngayon. It’s all my fault.” Tinapik ako ni Daddy, “At least you learned from your mistake. At huwag mo ng hahayaan na maulit pa ang pagkakamali mo.” Hao Residence of First Family Galit na galit si Aimee na umuwi sa kanilang bahay. Nagwawala siya at pinagbabasag ang base na kaniyang nahawakan. Nangibabaw din ang kaniyang mga hiyaw sa loob ng tahanan. Dahil sa komusyon ay bumaba mula sa kwarto si Naomi at ang anak niyang si Hersey. Mababanaag ang takot sa mukha ni Hersey dahil nakayakap ito sa kaniyang laruan. “What’s happening?” tanong ni Naomi sa anak. Pinigilan niya iyon. “What’s your problem?” “Mommy, Aleric is breaking up with me!” sabi niya. “What?” gulat na tanong ni Naomi. “May ginawa ka ba kaya siya nakikipaghiwalay sa iyo? Bakit biglaan ang lahat? Hindi ba’t maayos ang relasyon niyong dalawa?” “I really don’t know, Mommy.” Napasabunot si Aimee sa kaniyang buhok, “Kinausap niya ako kanina at iyon ang sinabi niya. Mommy, natatakot ako. Seryoso si Aleric at hindi biro ito.” “Calm down,” saad ng ina. “Hintayin natin ang daddy mo. Kakausapin namin si Jerald at Eunice.” “I’m begging you, Mom! Hindi ko kayang mawala si Aleric sa akin.” Niyakap ni Naomi ang anak at pinakalma ito. “May naiisip ka ba kung bakit biglang gusto makipag hiwalay ni Aleric sa iyo?” “Mayroon siyang babae!” tugon niya. “Hindi ako pwedeng magkamali. Iisa lang ang babae noon at ngayon ni Aleric.” Napakuyom siya, “Kailangan kong makilala kung sino ang babaeng iyon! Titirisin ko ang mukha niya hanggang sa hindi na makilala ni Aleric iyon. Hindi ko sila hahayaan maging masaya at maiwan akong mag-isa at nasasaktan. I will not accept a defeat.” “Tama! Ipaglaban mo ang mga pag-aari mo. Huwag kang papalamang at papatalo kung ayaw mong sa huli ikaw ang umiiyak at talo. Huwag mo silang hahayaan na maging masaya. Gayahin mo ako!” saad ni Naomi. Nag salo-salo ang pamilya sa hapagkainan nang makumpleto sila. “Ang tahimik niyo ata?!” puna ni Marvin sa mga kasama. “Daddy nagwawala si Ate Aimee kanina,” sumbong ni Hersey. “I’m scared Daddy. Pinagbabasag ni Ate ang mga vase.” Tiningnan ng masama ni Aime ang kapatid at sinabihan, “Shut up!” bulyaw sa kapatid. “You shut up!” sabat ni Marvin. “Alam mong may problema ang kapatid mo, pinapatulan mo pa! At ano na naman ang nangyari bakit kailangan mo pang magwala? Alam mo naman natatakot ang kapatid mo kapag nakakarinig ng anumang gulo.” “Aleric is breaking up with me. Sa tingin mo ba kakalma lang ako? Of course not!” Natahimik si Marvin sa sinabi ng anak at pinagpatuloy ang pagkain. “Daddy, help me. Kausapin mo naman si Aleric. O kaya si Tito Jerald and Tita Eunice.” “No!” direktang sagot ng ama sa kaniya. Natigilan si Aimee at napatanong, “Why?” “Alam mong hindi ka na mahal ni Aleric, bakit ipipilit mo pa? You’re young, beautiful and smart. May mga lalaki pa na magkakagusto sa iyo.” “Pero si Aleric lang ang gusto ko!” bulyaw sa ama. “Kung hindi mo ko kayang tulungan, ako ang mismong makikipag-usap sa pamilya ni Aleric. I will beg and cry para lang makuha ang simpatya nila.” “Ganiyan ka na ba ka desperada, ha?” galit na sagot ni Marvin. “Hindi ka na nahiya at pati dignidad mo at itatapon mo lang para sa lalaking hindi ka mahal? Enough to your plans, Aimee. Set him free.” Inirapan ni Aimee ang ama. “Hindi mo ba tatanungin kung bakit bago ka magsalita ng ganiyan? He’s having an affair with another woman. At sa mga pinagsasasabi mo, pinaparamdam mo lang sa akin na kinukunsinti mo siya. Palibhasa gawain mo, ‘di ba? At mali ba na ipaglaban ko siya kagaya ng ginawa ni Mommy sa relasyon niyong dalawa? Hindi ako papayag na mapunta si Aleric sa kung sinuman na babae.” “Enough!” sigaw ni Marvin sa anak. “Magkaiba ang sitwasyon niyo ni Aleric sa sitwasyon namin ng Mommy. And I choose to stay para sa inyong mga anak ko,” dugtong niyang sabi. “But you and Aleric are not married. Wala kang karapatan na sakalin siya dahil lang sa mahal mo siya.” Niluwagan ni Marvin ang kaniyang paghinga, “Kung mahal mo siya, hahayaan mo siyang sumaya sa desisyon na pinili niya.” “Bakit ba kinakampihan mo si Aleric? Ako ang anak mo. Ako ang sinaktan niya. Ako ang iiwan niya.” Sumabat si Naomi, “Tama lang ang desisyon ng anak mo.!” Kontra niya. “Mali! Maling-mali dahil hindi na nga si mahal ni Aleric. At alam mo iyon!” Napahilot si Marvin sa kaniyang ulo, “Kung hindi sa pakiusap natin ay hindi naman talaga siya babalikan ni Aleric. Aleric try his best, pero wala na talaga siyang pagmamahal sa anak natin at ayokong ipilit iyon. Beside, nagkausap na kami ni Jerald. Kaya huwag na kayong umasa na makikipagbalikan pa si Aleric sa iyo.” “Why are you so mean?” tanong ni Aimee. Humahagulgol na ito sa iyak. “Sshh!” senyas ni Hersey. “Nasa harap tayo ng pagkain. Magagalit si Papa Jesus dahil nag-aaway kayo. Kayo rin, magtatampo ang pagkain sa atin at baka magutom tayo.” Tumahimik ang buong hapag kainan. “Ate Aimee, Daddy is right!” sang-ayon ni Nigel, ang sumunod sa kaniya. “Marami naman nanliligaw sa iyo. Soon, makakalimutan mo rin si Kuya Aleric.” “You don’t understand,” sagot ni Aimee sa kapatid. Umiling-iling na lang si Nigel. “Hindi ako makakapayag,” banta ni Aimee. “I’m warning you. Huwag na huwag kang gagawa ng hindi maganda,” banta ni Marvin sa anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD